SDO Dagupan, Dinagsa ng Suporta mula sa LGU
Walang paglundan ng kasiyahan ang Sangay ng Dagupan sa mga suportang ibinibigay ng Local Government Unit o LGU...
...sa pagbibigay-pundo na magagamit sa pagpapagawa at pagkukumpuni ng ilang imprastraktura sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Dagupan sa nagdaang Brigada Eskwela 2020 noong nakaraang taon Ito ay sa pangunguna ng nakaraang Pansangay na Tagapamanihala na si Maria Celia-Fernandez, Ed.D.,MDM-SEC. at sa liderato ng butihing alkaide ng Dagupan na si Mayor Brian S. Lim.
Sa pamamagitan ng Special Education Funds o SEF sa ilalim ng LGU ay namahagi ito ng mga construction supplies at materyales na gagamitin sa paglalagay ng mga karagdagang Toilet and Faucet at Handwashing area sa mga paaralan. Ilan sa mga
ibinahagi ay mga hollow blocks, semento, iron bars, toilet bowl, truck load sand, faucet, stainless, at kitchen sink . Namahagi rin sila ng 7 Riso machine sa halagang Php 700,000 at mga ICT equipments tulad ng Free Public WIFI na nagkakahalagi rin ng
Php3,039,748 - 7 OBS (Open Broadcast System) - Php1,146,595na may kabuuang Php4,886,343.00.
Sa suportang ito ay lalong mapag-iigting ng DepEd Dagupan ang seguridad, kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral,
magulang at mga guro habang ipinagpapatuloy ang pasukan ngayong panuruang taon sa panahon ng pandemyang hatid ng COVID’19 ganoon din ay magiging madali ang pag-imprenta ng mga kakailanganing modules at iba pang educational printed materials sa bawat
paaralan.
Dahil sa pagtutulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Local Government Unit at ilang ahensiya ng gobyerno ay masisiguro ang kaligtasan ng komunidad at lahat ng Deped personnel na patuloy na tumutugon sa hamon ng buhay dala ng pandemya sa pagbubukas ng klase. Ang buong puwersa ng DepEd Dagupan ay lubos na nagpasalamat sa malaking tulong na ito at bilang pagtugon din sa DepEd battlecry na Sulong EduKALIDAD bilang adhikain sa pagkamit ng kalidad ng edukasyon.
Dahil sa kanyang angking talino, naipasa ni Fernandez ang Career Executive Service Written noong 2013. Taong 2015 naman nang naipasa niya ang Assessment Center ng CESB. Sa parehong taon naipasa ni Fernandez ang Educational Management Test. Dahil dito noong 2016 sa bisa ng CESB RESOLUTION No. 1271, Marso 9, 2016 naging ganap na lisensyado sa Pangtalong Antas sa Posisyon (Third Level Position) o ang Career Executive Service Eligible. Mula rito naitalagang Pangalawang Pansangay naTagapamanihala sa SDO ng Lungsod ng Alaminos noong Oktubre 12, 2015 hanggang Hulyo 26, 2020. Sa SDO Lungsod ng Dagupan naman siya nalipat noong Hulyo 26, 2020 sa parehong posisyon. Sa kasalukuyan, siya ang Pansangay na Tagpamanihala ng Lungsod ng Dagupan. Sa kanilang pamumuno ngayong taon nabuo ang tunguhin ng SDO Dagupan simula 2021 hanggang 2023.
Sa ngayon ay ginagamit na ng ilang mag-aaral, magulang at mga guro ang mga naipatayong imprastraktura at karagdagang kagamitan lalo na sa pagkuha at pagbabalik ng modules ng mga bata. Sa pamamagitan nito’y mas naipatutupad din nang maayos ang health protocols bilang pagtalima sa utos ng Department ng Health o DOH/IATF lalo na sa lahat ng pumapasok at lumalabas sa paaralan.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng suporta mula sa LGU sa pamumuno ng ating butihing Mayor Lim katuwang ang ating Pansangay na Tagapamanihala Sir Aguedo C. Fernandez, CESO VI para sa ikabubuti ng mga batang Dagupeno.
Masasabing mas magiging mabunga ang karunungang nais matamo ng Kagawaran ng Edukasyon para sa lahat ng kabataang Pilipino kung kasabay ng pagnanais na matamo ang karunungan ay may malusog at malakas na pangangatawan, dahil ang kalusugan ay kayamanan. ‘No one will be left behind’, ika nga ng ating Kalihim ng Edukasyon na si Leonor Briones sa ilan sa kaniyang mga panayam para sa lahat ng kabataan.