Ni: Ma. Imelda A. Infante, Principal I, JLSES

Bagong DepEd Dagupan portal, pinag-isa sa dashboard ang lahat ng kategorya.

Ang bagong portal ay naghahatid ng kasalukuyang oras ng pagseserbisyo, mga update at impormasyon. Lahat ng ito ay makikita sa isang dashboard na binuo ng Division Information Technology Officer I, na si G. Reynante B. Infante at naka-angkla sa tatlong prinsipyo para sa tunguhin ng SDO Dagupan na binuo ni Sir Aguedo C. Fernandez, Pansangay na Tagapamanihala.

Itinatampok ng bagong portal ang hindi lang ng isa o ng dalawa ngunit walong kategorya. Ito ay ang DepEd Dagupan issuances, BAC Issuances, Human Resource – Vacancy & Job Posting, Ticket Support System, School-Based Data Inventory System, Directory of Division-Based Personnel, Online Module

Library, at Learning and Development. Sa isang click lang sa button ng kategorya ay mapupuntahan agad ang kategorya.

https://portal.depeddagupan.com

Sa paggamit ng portal, tinanggal nito ang pagkonsumo ng maraming oras sa paghahanap sa maraming website para sa iisang ahensiya. Kaya ang hamon ay maikonekta lahat sa iisang platform – isang portal na magkokonekta sa lahat. Ito ay sumasalamin sa mas pinalakas at pinahusay na serbisyo at ang portal ay

mapupuntahan nang mabilis gamit ang Google Chrome. Para sa kompleto at magandang karanasan, i-click ang portal.depeddagupan.com.