E-PUB, TAON 1, SERYE 2021, BOLYUM 1 OPISYAL NA PANGSANGAY NA PAHAYAGAN NG LUNGSOD NG DAGUPAN PEBRERO 15-19, 2021

Husay at Talino sa Pagbuo ng Tunguhin ng SDO Dagupan - Sir Ague

Kasagsagan ng pandemya na COVID 19 nang magsimulang maging Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala si Sir Aguedo C. Fernandez sa Sangay ng mga Paaralang Panlungsod sa Dagupan noong Hulyo 6, 2021. Nataon sa panahong ito ang paghahanda ng mga Modyul para sa Distance Learning na napili ng Dagupan na siyang tugon sa pandemya na dulot ng COVID-19. Tinutukan niya sa panahong ito ang pag-iimprinta ng modyul na gagamitin ng mga mag-aaral sa Dagupan. Dahil dito, may nagamit ang mga mag-aaral para maipag-patuloy ang edukasyon. Sa pagreretiro ng Pansangay na Tagapamihala na si Dr. Maria Celia Junio-Fernandez, MDM noong Nobiyembre 10, 2020 ay agad na humalili si Sir Aguedo bilang Pansamantalang Pansangay na Tagapamanihala noong Nobiyembre 11, 2020. Sa kanyang pag-upo bilang Pansangay na Tagapamanihala ay binuo niya ang Tunguhin ng SDO Dagupan taong 2021-2023. Ito ay ang “SDO Dagupan ang isa sa mga nangunguna sa Rehiyon 1 sa pagbibigay ng pinakamahusay sa serbisyong pang-edukasyon sa lahat ng stakeholders.

Husay at Talino, Hinubog ng Paaralang Pampubliko

Ipinanganak sa Lingayen, kasalukuyang nakatira sa Agno si Sir Aguedo. Ang kanyang husay at talino ay hinulma ng pampublikong paaralan. Nagtapos siya sa Elementarya noong 1984 sa Paaralang Elementarya ng Naguelguel na nagtamo ng Ikalawang Karangalan (2nd Honors). Nagpatuloy naman siya sa Sekondarya sa Pangasinan School of Arts and Trades na nagtamo ng Ikatlong Karangalang Banggit at nagtapos noong 1988. Sa pampublikong paaralan din nagtapos ng Kolehiyo si Fernandez sa kursong BS Industrial Education sa Pangasinan State University, Lingayen Campus na may karangalang Cum Laude. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa gradwado sa Pangasinan State University, Urdaneta City Campus na nagtapos ng Master of Arts in Industrial Education noong 2001. Sa taong ding iyon itinuloy niya ang kanyang pag-aaral na Doctor of Education sa parehong paaralan. Subalit dahil sa serbisyong publiko hanggang academic requirements ang kanyang natapos. Bunga ng kanyang pagsisikap kitang-kita ang husay ni Fernandez sa kanilang napagsilbihang paaralan. Naging guro siya sa Agno National High School mula Hulyo 1993 hanggang Oktubre 2006. Pumasa sa Pagsusulit para sa Punong-Guro na noon ay tinatawag na Principal’s Eligibility Test noong 2005 at isa sa mga naguna sa pagsusulit sa Pangasinan. Mula rito, itinalaga siya bilang Punong-Guro I ng Bangan Oda National High School noong Oktubre 16, 2006. Taong Disyembre 2, 2008 siya’y naging Punong-Guro III at noong Disyembre 2, 2010 naging Punong-Guro IV sa parehong paaralan. Naiipat siya sa paaralan ng Agno National High School kung saan siya’y nakatira noong Mayo 16, 2011. Naging OIC-EPS sa SDO 1 ng Pangasinan simula Marso 12, 2015 hanggang Mayo 20, 2015.

Dahil sa kanyang angking talino, naipasa ni Fernandez ang Career Executive Service Written noong 2013. Taong 2015 naman nang naipasa niya ang Assessment Center ng CESB. Sa parehong taon naipasa ni Fernandez ang Educational Management Test. Dahil dito noong 2016 sa bisa ng CESB RESOLUTION No. 1271, Marso 9, 2016 naging ganap na lisensyado sa Pangtalong Antas sa Posisyon (Third Level Position) o ang Career Executive Service Eligible. Mula rito naitalagang Pangalawang Pansangay naTagapamanihala sa SDO ng Lungsod ng Alaminos noong Oktubre 12, 2015 hanggang Hulyo 26, 2020. Sa SDO Lungsod ng Dagupan naman siya nalipat noong Hulyo 26, 2020 sa parehong posisyon. Sa kasalukuyan, siya ang Pansangay na Tagpamanihala ng Lungsod ng Dagupan. Sa kanilang pamumuno ngayong taon nabuo ang tunguhin ng SDO Dagupan simula 2021 hanggang 2023.

Tatlong Prinsipiyo para sa Tunguhin ng SDO Dagupan

Ang Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Dagupan ay humaharap sa krisis ng pandemya na dulot ng COVID-19. Bunga nito, ang mga mag-aaral ay hindi maaaring pumasok sa paaralan ng face to face. Dahil dito, napili ang Distance Learning na Modular Printed Augmented ng iba’t ibang Multi-media. Nabuo ang tunguhin ng SDO Dagupan na: ang Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Dagupan ay isa sa mga nangunguna sa Rehiyon 1 sa pagbibigay ng pinakamahusay sa serbisyong pang-edukasyon sa lahat ng stakeholders. Ito ang magsisilbing gabay at sentro ng pagpaplano para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Ang tunguhing ito ay nahahati sa tatlong prinsipyo.

Unang Prinsipyo. Empowerment. Layunin ng prinsipyong ito na mabisang makapagpasya batay sa natatanging sitwasyon at mga mapagkukunan gayundin ang kakayahan at kakayanan ng mga taong nasasakupan at makagawa ng mga proyekto batay sa pangangailan pangsitwasyon ng paaralan. Batay sa prinsipyong ito, ang mga namamahala sa paaralan ay binibigyang ng kapang-yarihang makapagpasya at makabuo ng mga alituntunin batay sa hinihinging sitwasyon at nasasakupang paaralan. Bunga nito, makahuhubog sila ng mga mag-aaral na may kasanayan at pandaigdigang kaalaman.

Pangalawang Prinsipyo. Shared Governance. Gabay ng RA 9155 o Governance Basic Education ang pangalawang prinsipyo kung saan ang bawat isa ay may tungkuling gampanin sa pamamahala ng paaralan. Layunin ng prinsipyong ito na mapatatag ang mabuting pakikisama sa mga governing council na maaaring makapagbigay ng mga idea sa pagbuo at pagpapahusay ng SIP at BE-LCP. Higit sa lahat ang shared governance, ang pamayanan o ang komunidad ay kapwa may-ari ng paaralan. Ang komunidad ay aktibong nakikibahagi sa mga gawaing pampaaralan kung paano namamahala at pinamamahalaan ang paaralan.

Ang tatlong prinsipyong ito na tunguhin ng SDO Dagupan, kapag naisagawa ay makakamit ang pinakamahusay na serbisyong pang-edukasyon sa lahat ng stakeholders. Kapag sinabing mahusay, nakagagawa ng resulta na may mas kaunting resources at napamamahalaan ang mga resources upang makabuo o makagawa ng inaasahang resulta o awtput. Ang mga ibinibigay na pinakamahusay na serbisyong pang-edukasyon, gaya ng pagtuturo, suporta, linkages, networking, technical assistance at iba pang serbisyong ibinibigay ng SDO Dagupan sa lahat ng kliyente nito. Ang kliyente ng SDO Dagupan ay ang mga internal at external stakeholders gaya ng PTA, LGU, Gov’t/NGA at iba pang organisasyon na ang pokus ay ang edukasyon. Bunsod nito, marapat na makipagtulungan ang mga stakeholders sa paaralan upang makabuo ng PPAs.


Isang Hamon: Magkabalikat Para sa Bata, Para sa Bayan

Napakalinaw ang tunguhin ng SDO Dagupan sa taong 2021-2023. Ang lahat ng Punong-Guro at mga opisyales ng SDO Dagupan ay binibigyan ng kakayahan upang tumugon sa pangangailangan ng naayon sa sitwasyong kanilang nasasakupan lalo na ngayong panahon ng pandemic na dulot ng COVID 19. Dito, maipapamalas ng bawat paaralan ang kanilang kakayahan bilang isang lider na matugunan ang pangangailangan ng nasasakupan batay sa hinihingi ng paaralan. Sa pakikipagtulungan ng mga punong-guro at ng mga kawani ng SDO Dagupan sa mga stakeholders tiyak sa taong 2023 ang SDO Dagupan ay isa sa nangunguna sa Rehiyon 1 sa pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyong pang-edukasyon sa lahat ng stakeholders. Sama-samang balikatin ng paaralan at ng stakeholders ang tunguhing ito para sa bata, para sa bayan.